page

Linggo, Setyembre 2, 2012

Isang pangarap.

See this photo? August 27, 2011 was the date when this was taken. I remember grinning really hard, kasi nakuha ko na yung isa sa mga matgal ko ng pinapangarap. Nageenjoy ako kumuha ng mga litrato, masaya ako kapag nagtetake ng pictures. Camera ang isa sa mga nagpapasaya sakin, hindi naman ako vain. Mas gusto kong kunan ng pictures yung ibang tao kesa sakin, camera shy ako. Lmao pero syempre jowk lang yon. Hindi ko alam kung kailan ko unang nakuha yung DSLR ko, i think August 26, 2011. The day before nitong photo n to. My Nikon D90 was a gift from my mom. Sobrang saya ko noon, hindi ko mabitawan yung camera nung araw na yun. Makikita mo talaga na ngiting ngiti ako, anong magagawa ko? Sa matagal ko ng hiniling ung bagay na yun eh, ang tagal kong nagintay bago magkaroon nun. Hindi ko naman gustong maging Photographer hobby ko lang talaga yung manguha ng pictures. Tanda ko pa pagdadalin ko sa isang lugar yung cam ko they would joke "anong laman ng lunchbox mo?", yung cambag kasi parang lunch box ang style. Kaya minsan awkward dalin yung bag eh.

 Madami pang masasayang bagay na nangyari simula ng makuha ko D90 ko, kaso ayun wala na siya. Unfortunately nanakaw siya. Ang masaklap pa habang na sa isang Recollection pa ko nang nagyari yun. Sobrang unexpected ng nangyari, ang bilis. Wala na kong nagawa para ibalik pa yun. Nakakalungkot at nakakaiyak na dumating pa ko sa point na nagdoubt ako sa faith ko. Tinanong ko sarili ko "bakit ako pa?,bakit ngayon pa?". Dederetso sana ako pauwi sa Calamba dahil last day n ng mami ko nun at aalis na siya, so dinala kona lahat ng gamit ko para after ng recollection deretso biyahe na, dinala ko yung cam para kahit papano masave ko yung memories bago umalis mamo ko kaso kung alam ko lang na mangyayari yun di ko na sana dinala. Sabi nila lahat ng bagay may kapalit, pero nasaan na yung kapalit? Lahat ng pwedeng sisihin sinisi ko na nung araw na iyon, pero mas sinisisi ko sarili ko sa nangyari.

I'm trying really hard para makalimutan yung nangyari, pinipilit ko yung sarili kong paniwalain na hindi totoo lahat. Pero kahit anong gawin ko hindi talaga mawala wala sa isip ko kung pano nangyari at bakit nangyari yun. Sobra kong nanghihinayang, it was a gift from my mom at alam kong hindi madali para sa kanya na ibigay sakin yun yet binigay niya, nanghihinayang din ako na sana ngayon may nagagamit akong cam. ang dami ng events na dumaan na sana nakuhaan ko. Madaming memories na nasayang at hindi nakunan. Nakakatawa na im taking like i lost a loved ones, pero indeed nawalan nga ako ng bagay nga lang na mamahalin. Lmao. Sana dumating sa point na makalimutan ko na lahat para hindi na masakit, para hindi na nakakakonsensya. Minsan nga gusto ko ng magkatrabaho para mapaltan yun eh, para kunwari walang nawala. Kaso hindi ko magawa eh, hirap magtrabaho. At sa ngayon gusto ko na din muna magaral pero sa tuwing iisipin ko yung cam bumabalik lang ako sa point na pagsikapan ito para mabawi. Parang nakakatakot na mangarap kung mawawala lang din naman diba? Sana bumalik na sakin yung cam...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento