page

Huwebes, Hulyo 26, 2012

Vices are not my thing.

My title says alot. Ako yung tipo ng tao na hindi naninigarilyo at hindi madalas sa inuman, ero hindi ako santo! Natry ko na yan at yung alak ay minsan natitikman parin, pero syempre occasionaly lang naman yun. Pero hindi ko talaga gusto ang alak, napapainom lang ako pagnapipilit! Pero neber talaga ako maginom eh, di ako lashengero talaga simula ng... ewan! HAHAHAHA

Hinding hindi ko nagets ang kahalagahan ng vices, seryoso. Hindi ko alam kung bakit nagyoyosi yung ibang tao pagkatapos kumain, bago pumupu, habang nagiinom, pagwalang ginagawa, pag gustong magkaron ng reputasyon sa mga chix at madming madami pa. Nakapagtry na ko magyosi pero nung mga panahong yun, naisip ko para san nga ba talaga ang yosi? Anong kahalagahan nito? Anong benefits nito? May makukuha ba kong maganda dito? Actually nakakaaksaya lang sya ng 2pesos eh, yung 2pesos na nga yun eh pwede pang ipunin pangload, pangbili ng candy, ibigay sa mga kapatid na maliliit(yung ganyung barya mahalga na sa mga bata eh). Ang YOSI para sakin ay isanginstrumento lamang na nakakasira ng ating kalusugan, at ng pagkakaibign! (oh pano yung mga kaibigan mo na may asthma? Magyoyosi ka pa ba pagkasama mo sila? Ipagpapalit mo ba sila para lang makahithit ka ng yosi? So nakakasira talaga sya ng pagkakaibigan!)

Hhhmm alak, what is with alak this day na pati mga kabataan ay mali hindi pala lahat halos mga kabataan lang pala ngayon ginagawa nalang ata syang tubig? Seriously bakit naging pampatid uhaw na ang alak? Bukod sa sakit sa ulo ano pa ba ang naibibigay ng alak? Some say na para sa bonding, pero bakit out of all the things you can do with your friends bakit alak ang madalas? Masakit na sa bulsa, masakit pa sa tenga( syempre paguuwi kang lasing minsan yung mga magulang jan sisigawan ang mga anak). Pwede naman tayong mga kabataan tumulong sa simbahan maiba naman, to be honest mas masaya pa yung ganun at hindi lang ikaw ang sasaya eh pati rin yung mga natutulungan mo, another thing na magagawa nyong magbabarkadahan eh yung magfood trip dahil kung pabigatan sa bulsa ang trip nyo bakit hindi nalang kayo magisip ng kakainin then lutuin nyo sa bahay ng isang tropa na willing gawing kusina ang kanyang bahay. In that way mabubusog pa at magkakaron pa ng masayang memories, oh habang nakain pwede magpiktyuran masaya yon. Diba may mas maganda pang gawin bukod sa maginom. I can give much more ways to enjoy your day without vices pero hindi ito yung topic ko ngayon. Teka, ano nga bang kinasarap ng alak? Naiinfluence lang naman tayo nito na gawin ang kung ano anong bagay na hindi natin kaya, example na jan ay yung gumewang gewang ka habang naglalakad pauwi, tapos sisigaw sigaw ka sa gitna ng kalsada sa kalasingan. Diba nakakahiya yun at magagawa mo lang yun ng lasing ka! So ano pa nga ba ang benefits ng alak? It doesnt much affect our health unlike cigarettes does but it isnt much of a difference talaga, kahit anong gawin mong pagbalibaliktad sa mundo, kahit na anong sabihin mo bisyo pa rin yan.

Thankful ako at di ako naiinfluence ng kahit anong bisyo at kahit na madami akong kakilalang may bisyo, dahil hanggang ngayon hindi ko alam ang importance nito at hinding hindi ko malalaman kung para san ang bisyo! Im going to stay true to my brand na  I AM A VICES FREE PERSON! Kung meron mang tao na sa tingin ay napakalaking importansya sa buhay nya ang bisyo, masasabi ko lang sayo na YOU ARE TAKING HALF OF YOUR LIFE AWAY and you dont know what you're going to miss.  Basta ako bilang isang kabataan ginagawa ko ang kaya ko na impluwensyahan ang mga kaibigan ko sa tama na mali ang pagbibisyo. At sa huling tanong ko, Para saan nga ba ang bisyo? Sa tingin mo masasagot mo yan ng tama?


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento