MULA SA MATA NG BUWAN
Umiiyak, umiiyak ang batang
bagong luwal. Kasabaay ng kanyang pagiyak ay ang tuwa ng kanyang mga magulang.
Hindi ba nakakatuwang isipin na masaya ang magulang natin ng tayo ay
ipinanganak? Pero kung masaya lang sana lahat ng magulang, buo ang pamilya.
Mayroon naman kasing mga ina na hindi sinasadya at aksidente lang ang turing sa
anak. Sila ang mga nagaasawa ng maaga. Kalimitan sa kanila ay humahantong sa
watak na pamilya. Hindi nila napagplanuhan ng maayos ang kanilang buhay, kaya
naman sa bandang huli ang mga anak ang naghihirap.
Pero
hindi naman talaga ganyan ang tingin ko sa pamilyang Pilipino. Tayong mga
Pilipino kahit naghihirap, masaya at buo pa rin ang pamilya. Kahit ilang
problema pa ang dumating na minsa’y akala mo sa teleserye lamang nangyayari.
Yung tipong nagaaway ang magulang, may aksidenteng nangyari at halos mamatay na
ang anak, o di kaya’y nagkakaroon ng extended family dahil maligalig si ama.
Pero in the end may happy ending pa rin naman. Dahil yan sa mga magulang, hindi
nila hinahayaan na masira lang ang pamilya dahil sa isang problema. Ang sarap
siguro sa pakiramdam kung ganyan ang mga magulang, mga magulang na hindi kayang
sukuan ang problema. Hindi sila sumusuko dahil trip at gusto lang nilang ayusin
ang problema pero dahil naandyan yung pagmamahal. Pagmamahal hindi para sa
sarili nila, kundi para sa pamilya.
Sa
isang tahanan hindi mawawalan ng isang pasaway na anak. Madalas mang sakit sa
ulo ang ihinihahatid sa magulang, pero hindi mabubuo ang pamilya kung walang
pasaway diba? Kahit gaano katigas ang ulo ng isang tao, lalambot at lalambot
din ang puso niyan. At kung masasaksihan mo mismo ang pagbabago, para kang
nakakita ng himala na ang Dyos mismo ang gumawa. Walang matigas na puso ang kayang
tiisin ang pamilya.
Malimit
tayong naghahanap ng kalinga at kasangga. Huwag kang magalala naandiyan ang
pamilya. Hindi ka nila bibiguin. Walang sino man ang kayang tiisin ang pamilya
diba? Ganyan kasi ang sila, walang iwanan, nagkakaisa, nagmamahalan, at higit
sa lahat masaya. Minsan may nagtanong, ano nga ba ang depenisyon ng saya? Sa
isang typical na Pilipino, pamilya ang isasagot niyan. Dahil kahit sinong tao
naman na nagmamahal, pamilya ang una sa lahat. Marami tayong bagay na hindi
makikita sa iba na tanging nasa pamilya lang natin. Pero kung ako ang tatanungin mo, isang simpleng ewan lang ang isasagot ko. Hindi dahil sa bobo ako at hindi ko alam ang depenisyon, pero ano nga ba ang alam ng isang ulila na kagaya ko? Lalo na pag dating sa paimlya? Wala naman diba! Ang alam ko lang ay ipinagkait sakin ito.
___________________
So guys! What do you think? Is it good? Ayan yung talumpati ko last Sem sa Fil01. Final requirement at ang topic ay about sa family. Ayoko naman na maging cliche at ikwento lang ng basta basta yung pamilya ko. Nagpaka abstract ako ng konti. Pero nagmuka na siyang kwento diba? Hindi na speech? Pero okay lang nakapasa naman ako dahil jan.
Balak ko sanang ituloy na yan bilang nobela. Gusto kong ituloy yung kwento ng batang ulila pero hanggang ngayon wala pa rin akong makitang inspirasyon at hindi ko na alam kung anong nangyari sa ulila. At tsaka hindi ako marunong magsulat ng nobela. Hanggal ako pagdating sa mga pagkukwento at point-of-views. Madalas ko kasing isulat ay mga editorial o kaya mga opinions. Wala pa kong nagagawang kwento.
Kung marunong lang sana ako natapos ko na iyan.
Writer's block. Ito na naman ang problema ko. Kung may gamot lang sana dito.