page

Lunes, Hulyo 25, 2011

Parish Youth Ministry (St.Peter of Alcantara)

Yes naman! isa akong miyembro ng PYM sa Pakil. Ipinagmamalaki ko na youth ako. lols. Tanda ko pa, it all started with an invitation. Naglalakad lakad lang kami ni Carina nun, apos tinawag ako ni Ujie. Tinanong nya ko kung free daw ba ako ng mga month na yon, dahil nga daw sa Youth Gathering , something like that. Dumating na yung araw nung gathering, at first I was reluctant to come my reason is will i be able to talk to others? Dahil nga hindi ma makapal ang muka ko nun, pero napilit ko ang sarili ko. Natuwa ako dahil nakita ko na may kakilala ako, so nag enjoy naman ako. May konting seminar at games pero day time activity lang siya. Nabitin ako kaya naman umatend ulit ako sa sumunod na activity , ang Youth ARTS. Pero bago yun nagsagawa muna ng fund raising at nakijoin ulit ako. Masaya naman yung fund raising , dahil may mga bago akong nakilala. Nakausap ko ung ibang seminarista at ung iba pang youth. Nung Youth ARTS kahit hindi gaano kadami ang dumalo nagenjoy naman ako dahil sa mga nakasama ko. "Quality over Quantity" nga naman kasi. Simula nun sila na ang kasama ko, ang dating laging nasa loob ng bahay na laging libro ang kasama, ngayon ay tao na! lols. Masaya ako nakilala ko sila, kahit lagi akong nabubully ng presidente namin eh masaya pa rin naman. Madami pang kwento tungkol sa PYM pero sa mga susunod na posts nalang :) xo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento